# Community Partner

Pitik Bulag

Mga kartun na nagpapakita ng estado ng paggawa at negosyo sa Pilipinas

Contributor

Mga kartun na nagpapakita ng estado ng paggawa at  negosyo sa Pilipinas
Nagtambalan ang UP Business Administration Council (BAC) at mga co-founder ng PITIK BULAG na sina Cartoonist ZACH at Isang Tasang Kape para talakayin ang mga samu't saring isyung may kinalaman sa negosyo, ekonomiya at mga epekto nito sa bansa.

Nagtambalan ang UP Business Administration Council (BAC) at mga co-founder ng PITIK BULAG na sina Cartoonist ZACH at Isang Tasang Kape para talakayin ang mga samu’t saring isyung may kinalaman sa negosyo, ekonomiya at mga epekto nito sa bansa.

Minimum Wage

Kartun ni Cartoonist ZACH

Hanggang ngayon, hindi pa rin sapat ang kinikitang minimum wage ng mga manggagawa upang buhayin ang kani-kanilang pamilya. Dahil dito, nagkakaroon ng bagong talasalitaan tulad ng ‘survival’ or ‘living wage’ na dulot rin ng alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nakaapekto sa pagtaas ng mga presyo ng commodity tulad ng langis. Sa kasalukuyan, may mga petisyong nagtataguyod na itaas ang mimimum wage – mula Php 750 hanggang Php 1007, depende sa rehiyon o union.

Mababang Presyo ng Kalakal

Kartun ni Isang Tasang Kape

Isang malaking isyu ang importasyon dahil sa epekto nito sa presyo ng iba’t ibang kalakal. Ang trade liberalization ay mayroong benepisyo sa pagpapadala ng makabagong teknolohiya at mas magandang produkto. Sa Rice Liberalization Law (R.A. 11203), tinanggal ang quantitative restriction at itinayo ang 35% tariff. Dahil dito, ang konsyumer at producer na presyo ng bigas ay bumaba ng 26% sa loob ng ⅗ taon ayon sa NEDA. Kasama rin dito ang pagtaas ng halaga ng produksyon kasabay ng maliit na kita. Nagiging mahirap rin ang paglipat sa mga produktong mas kumikita gaya ng tubo, prutas, at iba pa dulot ng limitasyon sa kagamitan. Bukod pa rito, patuloy na napag-iiwanan ang ating mga kababayang magsasaka.

Subsidiya para sa MSMEs

Kartun ni Cartoonist ZACH

Nagkaroon tayo ng CITIRA Act na pwedeng magsilbing reprieve sa mga korporasyon at kanilang empleyado. Gayunpaman, makikita pa rin ang vulnerability ng MSMEs at legal o economic barriers upang magscale-up kahit na mahigit 90% ng negosyo sa bansa ay MSMEs.

Kakulangan sa Fiscal Transparency

Kartun ni Isang Tasang Kape

Noong Agosto 2021, naglabas ng mga ulat ang Commission on Audit (COA) tungkol sa mga government agencies na nagpapakita ng bilyon hanggang trilyon na discrepancies dulot ng iba’t ibang rason. Base sa isang nationwide presidential interview, ang lahat ng kandidato maliban sa isa ay sang-ayon sa ideya ng pagsasa publiko ng kanilang SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. Ang mga hakbang na ito ay ginagamit upang makuha ang tiwala ng taumbayan at bilang pagsusuri sa mga ‘red flags’ sa paggamit ng pondong mula sa buwis na binabayad ng mamamayang Pilipino.

Dahil dito, dapat nating iboto ang kandidatong hindi lamang pumapayag na isapubliko ang kanilang SALN, kundi mayroon ring planong magpatupad ng mga polisiyang may kinalaman sa fiscal transparency.

Gender Inequality

Kartun ni Cartoonist ZACH

Mayroong inequality sa pagtrato sa kasarian sa lugar ng trabaho. Maraming sulat ang nagsasaad na tumaas ang ating index sa gender equality patungkol sa sahod. Subalit, mayroong mga sektor sa ekonomiya at ibang salik sa edukasyon, career progression (e.g. pagiging executive), at microaggression (e.g. kakulangan sa gender sensitivity) na naka-target sa mga kababaihan.

Kakulangan sa Testing Kits

Kartun ni Isang Tasang Kape

Noong Enero 2020, nagsimula ang publiko at gobyerno sa pagtutok sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kasabay nito, maraming brands ang nag-post online tungkol sa mabilisang pagkaubos ng kanilang stock ng produktong medikal sa mga botika at iba pang tindahan. Nang magsimula ang pandemya, nagkaroon ng kakulangan sa testing kits at dahil dito, mapapansin ang pagbenta ng mga hindi ligtas at aprubadong kits online.

Endo

Kartun ni Cartoonist ZACH

Sa usapin naman ng endo, makikita ang pagtrato sa mga manggagawa bilang “disposable commodities” – kung saan hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga ito na maging regular sa kanilang trabaho, hindi magkaroon ng 13th month pay, at iba pang benepisyong nakapaloob sa 5-month contract. Bilang resulta, umingay ang isyu ng “endo” o end-of-contract at dapat ikonsidera na ang mataas na kita ay hindi katwiran sa endo.

Kahalagahan ng Tax Systems

Kartun ni Isang Tasang Kape

Mayroong mga taong naniniwala na hindi malubha ang isyu ng tax evasion – kumbaga, hindi ito “inherently immoral”. Dahil dito, may isang kandidato na natakbo papalayo mula sa kasong tungkol sa tax. Ang totoo ay napakahalagang pag-usapan ang isyu sa buwis dahil karamihan ng yaman ng Pilipinas ay napupunta sa mga taong mataas na ang katayuan sa buhay, kahit na halos pantay-pantay o mas masikap pa sa pagtatrabaho ang ibang regular na mamamayan. Sa ngayon, tinutulak ng Makabayan Bloc sa super-rich tax na mangolekta ng 236.7 billion pesos sa rate na 1-2% lamang.

Genuine Public Representation

Kartun ni Cartoonist ZACH

Hindi lamang sa adyenda ng kumpanya may kaugnayan ang usaping ‘media’ o ‘advertising’. Mahalaga rin ang mga konseptong ito sa pagbuo ng paniniwala at pag-uugali ng lipunan. Kahit na madali lang gumawa ng stereotypes o archetypes, may kahihinatnan ang mga ito sa tao – lalo na sa usapang kasarian, lahi, at iba pa. Dahil dito, madalas na nilalarawan bilang ‘outdated’ ang gender roles, subalit hindi naman ito palagi totoo.

Outsourcing

Kartun ni Isang Tasang Kape

Sa kabila ng mga kaakit-akit na aktibidad na ginagawa ng mga dayuhan sa bansa, may mga patibong ang mga ito. Una, nariyan ang posibilidad na hindi sila magbayad ng nakatakdang buwis. Ikalawa, nagbubukas sila ng trabaho pero para sa mga mamamayan ng ibang bansa. Panghuli, ang mga imprastraktura na kanilang itinatayo sa bansa ay hindi naman gaanong napapakinabangan ng mga mamamayang Pilipino. Ang ilan pa sa mga ito ay ginagamit lamang para sa pagsusugal.

Nawa ay sa pamamagitan ng sampung kartun na nakapaloob sa proyektong ito ay mas maliwanagan tayo kung bakit importante ang negosyo at maintindihan din natin ang papel ng mga lider ng bansa patungkol rito.

Paalaala: Orihinal na inilathala ang proyektong #IsyungKalakal noong Abril 2022.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.